Tuesday, December 11, 2007

Pahina 12 : Pangasinan ._.

Ipagpatawad niyo.
Ninais ko lang magpost tungkol sa aking mga ginawa sa isang araw ko sa Pangasinan.
Marami akong naalala.
Marami akong pinagmuni-munihan.

Ang emo naman ng simula.
Paskorus muna pala.
Gusto ko lang magsabi ng

Congratulations Sr, Gluon, Sampa, Dia, Cs, at sa iba pang participants :P
Nanalo Sr at Sampa 1st. 2nd and 1st level respectively.
~ C O N G R A T U L A T I O N S ~

Ayun. Wala kaming victory parteeh.
Ngayong wala nang Paskorus.
Sana wag mawala ang pagsasama natin, Cs.
Sana. Di magmaliw ang ating saya sa bawat araw na lilipas.
Kahit na aalis si RC >_<
Hindi ko malilimutan yung mga oras na.

Nagpapaalis tayo ng mga tao sa 2nd floor backlanding
Mga "Kornee" na Koryo.
Mga babae ng Cs na laging may energy.
Mga lalaki ng Cs na laging wala sa praktis.
Mga nanunuod ng movie sa iPod ni Dem.
Mga dumadaan sa 2nd floor backlanding.
Mga Rb at Mg na laging nandun
Sa mga stuff toy na "judges"
Sa rabbit na kyut :P
Sa mga guro na nakikinig.
Sa mga oras na nag-aaral dapat para sa Perio ngunit nagprapractice.
Sa mga oras na lumalabas papuntang Trinoma.
Sa bawat flash ng Camera.
Sa bawat nota at lyrikong kinakabisado.
Sa bawat pagkakamali sa pagkanta.
Sa bawat pawis na tumutulo at dugong dumadanak (wow. violent)

Yun na yun.
Kapag may nakalimutan ako. Text niyo nalang saken.
Malaki rin siguro ang binigay ko sa Paskorus.
Kahit nagkasakit ako one week.

Pagkatapos na pagkatapos ng Paskorus.
Hindi ko nakita ang fireworks.
Maaga ako umuwi.
Wala lang.

Nagkandarapa ako magkompyuter.
Naglaro ng naglaro.
Kaso. hindi RO. :P
secret nalang muna.

Nagplaplano rin ako.
Kung ano gagawin ko this Christmas.
Kung pano ko pag-aaralan yung CS 3, Math Post Quarter at yung MoG
Kung pano ko bibigyan ng gift yung bibigyan ko.
Bahala na ko dun.
Basta iniisip ko lang.

Kung mamimiss niya ako.
Kung naiisip niya ba ako.
Kasi ako.
Namimiss ko na xah.
Naiisip ko xah.
Hinahanaphanap ko xah. :D

~-~-~-~

To the Pangasinan Post.
next time na.~
kakatamaad. may lakad pa ko bukas.

Friday, November 23, 2007

Pahina 11 - Wahahaha.

Lumipas ang ilang araw.
Hindi ako nakapasok sa iskwela.
Ang rami ko palang mamimiss.

Wala lang.
Gusto ko lang sabihin na.
Ako yung taong gusto ko pumasok ng iskwela, ewan ko kung bakit.
Malas talaga at nagkasakit pa ko.

Hindi na nga ako nakapunta sa Cs Outing,
hindi pa ko nakapasok ng 1 week...
1st time ko umabsent sa Pisay.
Di ko pa inaasahang 1 week.
Grrrh.
Ewan ko nga ba kung bakit ganito ako...
May mamimiss lang siguro ako :D

Weeeeeeee.
MayNagtatanong~
AnoDawBaAngGlobalWarming :D

Ayun, Ang global warming. para sakin ><
Ito ang abnormal na pagpapalit ng klima o temperatura sa himpapawid o sa kapaligiran.
Salamat kay ate Julie, at natanong niya po ang tanong na ito.
Di ko rin alam isasagot eh :D
Siguro para masmapaunalakan pa lalo ang pagunawa sa Global Warming.
Hanapin mo sa internet ><
Pano ka napadpad sa wala kong kwentang blog? :D



Tapos.
Gusto ko pa idagdag.
:D Smile kayo, hindi kayo mabubuhay sa mundong ito ng hindi kayo ngumingiti. :D
heehehe

Wednesday, November 14, 2007

Pahina 10 - walang magawa.

Isa sa mga mysteryo sa buhay,
ay mananatiling mysteryo habang buhay.
kaya nga mysteryo eh :D

Saturday, November 3, 2007

Pahina 9 - Halimuyak ng isang bulaklak


“Halimuyak ng isang bulaklak”

Ika’y kasing ganda ng isang halaman

Maraming mga bunga nang alagaan
Hinding-hindi mangyayaring nalimutan
Mga sari-saring nito’y nilalaman



Nag-iisang bulaklak, di aalisan
Paano inaruga di hinulaan
Pinagbuti ng isang batang si Joan
Ang halimuyak binabalikbalikan


Kailangan ng lalagyan at himlayan
Sa huli’y mataimtim na ilarawan
Parang amo, laging pinagsisilbihan
Pinagmamasdan ko at oobserbahan



Ipipinta, isang magandang larawan
Bawat kumpas ng kamay inalagaan
Bakit pa lalayo, di tatalikuran
Pinagmamasdan ang malayang orasan




Yan ipapasa ko sa Filipino namin
kaya wag kayong magkakamali na gayahin ang pangit kong tula
Wala xang hidden meaning.
Kung may makita man kayong hidden meaning
Ay mararapat na hindi isawalat
At itago nalamang sa iyong sarili.
O sabihin sakin

Monday, October 15, 2007

Pahina 8 - Maligayang Bati...

Ngayon ang araw na ako'y pinganak...
Malaking bagay ba?
hindi naman noh.
cge wag nalang ako mag post.
nyaknyak.
Happy Burthday kay
Hannah Hipolito.
Jaymari Chua. (Batch 2010. claret rin)
Tram Acuna (1993 xa. kaming tatlo 1992)
Kuya James Fajardo (waw feeling close)
at iba pa :P

Saturday, October 13, 2007

Pahina 7 - Alikabok ng Between :))

Naalala ko...

nung SEP bago mag 2nd Year.

May joke. na tungkol sa between something.

nakalimutan ko na eh. malas niyo. pero it was kornee.

Kornee na nakakatawa. mayroon ba noon? oo mayroon nun. sakin :P

Ito siguro pinakahindi seryoso na blog post.

Lahat naman ng blogpost ko di seryoso eh.

Naalala ko lang magpost dahil sa post ni Ange.


ako ay nahimok magpost.

kasi naalala ko. yun pala ang "Birthday celebration" namin ni Haj. :))

kasi nung araw na yun. nakalimutan ko na Birthday ko.

Hindi sa dahilan na masama.

Nakalimutan ko ito dahil sa sobrang tuwa.


Maraming nangyari nangaraw na Oktubre 12, 2007.

Nagising ako. Naalala ko.

Ui. pupunta pala ako Trinuma ngayon.

Pagkatingin sa Orasan. 9:00. kaso. 15 minutes advance un!
(parang relo ko lang ah.)
tapos kampante ako at matagal pa.

(walking distance lang samin ang Trinuma)

[Note: Sadya ko na Trinuma ang spelling ng Trinoma. wala lang :P]

tapos pagkaonline ko...

Nakita ko si Chii ko. este Chii niya pala :P si Chii!!!
ayun nagchat kami. tinanong ko kung pupunta xa.

wala lang. yun na yun!

Naisip-isip ko.

Pano kami magkikita-kita?

May na-isip akong paraan. na sana masaya. kaso mukhang imposible matuloy

(crammed kasi yung sched. :)))

Maghahanapan kami sa kung saan mang sulok ng Trinuma.

Masaya sana yun... Proven :P


Pagdating sa Trinuma.

Naisip-isip ko. siguro nasa Timezone/Garden/B-Con sila.

so akyat akong 4th floor.

Nakita ko si Armamento. Tuwang-tuwa kami kasi pareho kami ng iniisip :P
tapos may nagtext na nasa Mcdo sa 1st floor.
nagdalawang isip pa kami na nasa 4th o 1st floor ba. yun lang yun. :P


Nagkita kami sa Mcdo sa baba.

Pagkatapos... pumunta kami sa National Book Store...

Hindi ko alam kung bakit... pero... ASTEEG...

wala lang...


Pumunta sa B-con kasi magpapasa si Kervin Soc. Sci.

Dumami kami ng dumami. di alam kung ano unang gagawin.

Kumain muna kami. Nahalughog ang buong Trinoma sa paghahanap ng resturant na pagkakainan.

Ngunit na pagpasyahan na maghiwalay at pumunta sa Movie House ng 1:30.


Ayun. nagastos sa Tokyo Tokyo ay 1000+

Rami naming pagkain >.<

Sabi ko nga sana hindi nalang naghiwalay eh

Sayang pero sulit naman siguro... ata :P
Pagdating sa Movie House.

Ayun. Bumili/nanlibre ng 2250 worth na tickets.

Grabe. ang bigat talaga sa bulsa. may utang pa ko ngayon T_T.


Stardust.

Ayun. nanuod kami noon. Kahit ang gusto namin ni Haj yung Horror, majority/ bahala na decision won :P
Nagdadalawang isip pa nga sila kung ano ang papanuorin eh.

Mamaya ko na ikwekwento yung Stardust. kasi yun ang highlight ng araw :P
Eh di ayun natapos ang Stardust.
Ako'y natuwa sa magandang kwento, kahit sa aking tingin ay hindi nagustohan ng iba.
Tingin ko nga ako lang yung tawa ng tawa dun eh. este. KAMI nila Ervin at Armamento.

Powerbooks. aun. bumili sila ng Libro.
Napagtanto ko, maraming magagandang gamit, kaso ang mamahal.
isang notebook na napakaliit (makapal nga lang) ay nakakahalagang 200+
woow. kaya nagisip parin ako kung ano bibilhin ko.
wala akong nabili dun... yun lang yun.
Pagkatapos ay pumunta kami sa Rooftop, nakita ko ang isang magandang scenery ng ulap.
Gugustuhin ko sana dun kami magdadate ng isang babae na gusto ko makasama.
Napakaganda ng view, kahit maraming squaters...
Mas maganda makita ang katotohanan kaysa sa mga tinatagong kasinungalingan.
Nakita rin namin ang Pisay mula doon...
Asteeg na may kahalong kalungkutan nang makita kong maraming taong naghihirap.
Ayun. Nakita namin sina/si Ange sa may Timezone at naplanuhan mag timezone.
Sa karamihan ng rides ay napatingin kami sa "Van Gough...." ewan ko kung ano yun...
Basta yun yung pipikturan sa loob ng isang kahon.
Kaso mahal.
Kaya't napagpasiyahan namin mag"bump" cars na nakita kong nasusunog sa may saksakan noong nagdradrayb si Ange :))
Si Ange nalang pinagdrive ko tinatamad ako eh.
Plano ko pa nga sana kumanta ng "Overdrive" kaso wala akong kasabay.
Mukhang naaliw si Ange, mukha lang, kasi parang bitin sa 40 pesos ang 3 minuto na pagdradrayb ng bagal na bump car.
ayun...
Nakita namin Click Five
si Caballa
at Mga 2010 :P
aun. naglakad ako pauwi. :D

asteeg kaya ko pala magtype ng di nakatingin sa keyboard.
ngayon ko lang natanto
kasi nakapatay ang ilaw habang ako'y nagtatype.
sa susunod ko nalang ikwekwento ang pananaw/review ko sa Stardust
Ito ay kailangan paghandaan ng mabuti.
Katulad ng gagawin ko sa aking Kaarawan :P

Thursday, October 4, 2007

Pahina 6 - Palanca

Nandito ako...
Nagpopost ukol sa ginagawa kong Palanca.
Sa totoo lang ay ginagawa ko itong nasasabing post na ito.
Upang maihanda ang aking utak para sa mga nangyari.
Para sa mga pangyayaring hindi ko makakalimutan at hindi ko makakalimutang ipayo sa isang taong pinapahalagahan ko.
Sa mga taong naging kakosa ko, naging kaclose atbp.
Siguro, magiging masaklap, magiging madugo ang pag-iintindi ng Palanca na aking ibibigay sa iyo.
Ito ay malalim ang pag-iisip na kung saan ay kailangan mong humarap sa salamin.
Ako ba ito?
Ang mga Palanca kong ginawa ay maaring kathang-isip o isang katotohanan na hindi matatakasan.
Ito rin ay aking mga opinion at mga magagandang nakikita sa iyong pagkatao.
Kukuhanin ko ang bawat detalye sa bawat angulo kung saan ako'y makakakuha ng masasabi.
Kung saan ko mahahanap ang gustong maipahayag ng mabigat kong damdamin.

Mapapakamot ng ulo kung magbabasa ka ng paulit-ulit.
Kaya wag mong isipin ang tunay na nilalaman.
Damdamin mo ito ng buong puso at isipan na kung saan ika'y matututo.

Malalaman mo rin sa takdang panahon, ang mga sikreto sa likod ng konkretong sulat na inilabas mula sa puso't isipan ng isang magiting na mandirigma

Ayun. yun na ang kailangan mong malaman.
Kailangan mong dibdibin ang bawat letra, bawat salita na nakalathala sa sulat.

Wag mong seryosohin. Makikita mo ang kalalabasan

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng Retreat...
Ayoko na isa-isahin ang mga ala-ala ko na nangyari sa Retreat.
Masaya siya... Marami akong natutunan.
Ngunit isa lamang ang napapansin ko sa dumadaan na araw.
Puro tungkol sa love ang naiintindihan ko.
Nabwebweltahan ko nga nang minsa'y sabihin ni Brother Francis. or Jonathan.
(o Francis Jonathan :D)
Noong sinabi niya na mahirap ang isang relasyon na magkaiba ang relihiyon.
Bakit niya nga ba sinabi iyon?
Kasi sa pagkakaalam ko...
Ang pagmamahal ay walang pinipili. Ito ay walang saysay kung ito ay binigyang pinagbabasihan ng pagmamahal.
Siya ay masyadong kumukontra sa kaniyang sinasabi.
Di ko naman sinasabi na mali siya.
Ang sabi niya "love is unconditional." ako'y pumayag.
eh bakit niya sinabi ang 6 guide thingy na kung saan nakasaad na..
dapat ganito, dapat ganyan...
Kala ko ba unconditional?
hahaha. ang pilosopo ko.
Pero kung ito'y iisipin mong mabuti ay di ka tututol sa aking sinasabi.

Basta para sakin lamang.

Ang pagmamahal ay walang pinipili... Dahil sa pagmamahal, ang puso ang ginagamit, di ang utak...
SAGING LANG. SAGING LANG ANG MAY PUSO!!!
nyak ang Kornee.
tapos yun lang.
Maraming ispecial na nagyari, ngunit ito ay mas magandang itinatago kaysa isinasabi ng tuluyan sa isang blogpost na kung saan marami ang makakaunawa, makakapuna :P

Di lang yun ang natutunan ko.
pero un lang ang bagay na kung saan ako'y napaudyok para magpost.




Photo by Michiko V. Resuello

Thursday, September 27, 2007

Pahina 5 - Maikling Istorya.

“Laktaw”

“Lahat ng dedsisyon ay hindi dapat pagsisisihan sa huli, kung ito man ay nagdulot sayo ng maganda o hindi gaano’y magpasalamat ka nalang at nairaos mo ang isang araw sa buhay mo.”

Madurungis, pakalat-kalat, nagbebenta ng mga basahan, takatak boy, yan ang bumubingisngis sa aking kapaligiran ko bawa’t araw. Ngunit di ko sila masisisi, sila’y pinanganak na sawi o pinanganak na may magulang na sawi sa buhay, walang trabaho, di edukada, atbp. Ngunit araw-araw kung makita ko ang mga batang ganoroon sa paligid, ako’y nagagamabala, may umiikot-ikot sa aking isipan.


Yan ang panimula sa aking maikling kwento.
- Matutuloy sa susunod -

Septyembre 30 , 2007.


natuloy nga ang napipintong kabanata ng Pahina 5.
(Weeeh...)
May naalala lang ako na sinabi sa akin.
Ang mga ping.aaralan daw natin ngayong Hayskul ay ang mga simpleng paninimula.
o ika nga'y intruduksyon sa buhay.
Pagdating ng 3rd year college. Maglalaho lahat ng mga tinuro nung hayskul.
At bubungasngas ang mga bagong bagay na maaring magdulot ng mabuti

Ito nga ba'y totoo?
marami na rin ang ng.kwento sa akin.
At ako'y hindi nababahala at mukhang handa na handa na ako sa mangyayari sakin sa College.
Kadalasan pa nga daw ay ang mga di magaganda ang ipinakita noong hayskul ay yun ang mga ng.papakitang gilas sa kolehiyo.


Ang galing sa isang bagay ay hindi nasusukat ng grado, ito ay nasusukat sa pagsisikap at pag-uunawa ukol sa isang bagay na interest
Ibig sabihin ko lamang ay di ka gagaling sa isang bagay kung ikaw mismo ay ayaw mo dun.
Saka kung pipilitin mo ang sarili mo sa isang bagay ay dalawa lamang ang hahantungan niyan.
Aayaw ka o Gagaling ka.
At sa mga nakikita ko, sa mga naranasan ko, mas malaki ang mga pursyento na aayaw ka.
Susuko at maghahanap ng bago.

Sorry ah. wala ako mapost.
Peryodicals na kasi natin.
tapos mayroon pang Retreat pg.katapos >.<


Photo by Michiko V. Resuello

Monday, September 24, 2007

Pahina 4 - Physics, Physics nalang ang pag-asa.

Ngayong mga nakaraang mga araw.
Ako ay may napapansin sa aking sarili.
Ang aking mga grado ay bumababa.
Ewan ko kung ito nga'y dahil humihirap ang mga topic ngayon o
Problema ko sa sarili.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga pangyayari ngayon.
Ang mga requirements di ko napapasa.
Laging late. Laging panget ang pg.kakagawa.
Di tulad nung First Quarter.
Ehhh. ang ping.kaibahan lang naman ng ngayon at ng noon ay.
may kasama ako sa pg.aaral noon.
Ngayon ay wala na.
Ito nga ba ang dahilan?
Ewan. yun lang ang masasagot ko.

Pagkalipas ng ilang panahon.
Naisip ko rin kung ano ang mangyayari kung hindi ako ng.pisay.
Ngunit hindi ko maisip.

Siguro ako parin ang pinakamagaling sa Math sa Claret. Maganda siguro ang mangyayari. Pero di ako ng.sisisi na ng.pisay ako. Ngunit maraming taong pumupuri samin. Hindi ba sila ay ng.eexpect ng marami samin? Ang gusto o punto ko lamang ay, Tayo'y dapat maging mapagkumbaba kahit ano man ang mangyari.

Naaalala ko parin ang First Year ko sa Pisay.
Noong makilala ko ang crush ko nung First Year (hindi na siya yung ngayon.)
Alam kong malaki ang aking naitulong sa kanya.
Ngayo'y siya ang isa sa pinakasociable na studyante sa pisay
Yung tipong "high class".
Basta. ako'y umiwas doon sa parakong iyon.
di ako sumunod sa kanya.
Kahit sa puso ko ay masakit.
Kahit hindi niya alam ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.
Pinabayaan ko siya. Pinabayaan ko siya. at siya'y ng.karoon ng maraming kaibigan.
Ako'y umiwas sa kanya.

Hanggang 2nd Year ay dala-dala ko ang pasanin ng pg.mamahal ko sa kanya.
Hanggang ako ay nawalan ng gana bigla-bigla.
parang mahika. ika nga.

Di ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
Ikaw nga'y marahil di rin naiintindihan.
Pero, mukhang ito lang ang sa tingin ko'y maiintindihan niyo.

Physics, Physics nalang ang pag-asa
ayun. nasabi ko na.
Kung may naiintindihan man kayo sa mga aking ping.sasabi.
Ay marahil itago niyo nalang ito sa inyong isipan.
Hintayin niyo ako kung kailan ko man sasabihin.
Ngunit kung di niyo alam ang aking ibig sabihin.
Mg.hintay ka lang. darating ang panahon.

Caption: Room 103 - Physics Room.


Photo by Michiko V. Resuello

Saturday, September 22, 2007

Pahina 3 - Lakdaw.

"Lakdaw"
Ang lakdaw ay isang salita na ang ibig sabihin ay skip sa Ingles.
Basta ganoon ang ibig sabihin.
Alam niyo ba kung bakit yun ang title?
Ikwekwento ko nalang sa susunod.
Di ko pa tapos eh.
Ito ay tungkol sa 4 na mg.kakabarkada tungo sa pg.aaral nila sa isang public school.
Ng.kwentuhan sila sa isang mall.
Pg.babaliktanaw sa nangyari sa kanila noon, ano ang mga ping.kakaiba dati at ngayon, ano ang mga nakamit, ang kanilang "Love Story" atbp.
wala lang.
Ito ang isa sa mga opsyon ko para sa Pinoy short story ko.
Oo nga pala, ang istoryang ito ay based on a true story.

Ngunit ako'y ng.dadalawang isip.
Mukhang mahirap gawin eh.
Ito rin ay base sa nangyari kahapon.
sa mga kinwento sakin, at kinwento ko.
Sa Trinoma.


Siguro mg.iisip ako ngayon ng panimula. Ito ay isa sa pinakamahirap na parte ng isang maikling kwento.

Kaya. siguro. ako'y mawawala sa pg.popost.


Photo by Michiko V. Resuello